SAN JUAN CITY NEWS

160TH BONIFACIO DAY | 11.30.2023

December 01, 2023

Pinangunahan po natin ang pagdiriwang ng ika-160 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine. Inalala natin ang kabayanihan ni Bonifacio lalo na ang tangkang pagsakop ng mga Katipunero sa imbakan ng tubig ng mga kastila noon sa tinatawag natin ngayong El Deposito. Naniwala silang matatalo nila ang mga Kastila kapag nakuha nila ang supply ng tubig. Sa kabila ng pagkabigo, naging hudyat ang pagkilos na ito ng mas malakihang labanan na nagbigay daan sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.