SAN JUAN CITY NEWS

BLOOD LETTING PROGRAM | 06.26.2023

July 5, 2023

Muli po tayong nagsagawa ng ating regular na programang 'Dugo ng San Juaneño Para sa San Juaneño' bilang tulong sa ating mga mamamayan na nangangailangang masalinan ng dugo.

Alam po natin na mahal ang halaga ng dugo, kaya naman sinisiguro natin na mayroong makukuha sa blood bank ang mga San Juaneñong nangangailangan nito anumang oras para makatulong sa kanila.

Kasama ang ating Vice Mayor Angelo Agcaoli at mga konsehal, at ang aking anak na si Nicolas, umikot po tayo sa sa City Hall Atrium kung saan ginawa ang bloodletting upang personal tayong magpasalamat sa mga kawani ng ating pamahalaang lungsod, mga miyembro ng San Juan PNP, BFP at BJMP, mga guro, at mga residente ng ating lungsod na nakiisa at nag-alay ng kanilang dugo para sa ating kapwa San Juaneño. Mabuhay po kayo!

Kaugnay na video:

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/816010926605840

#MayorFrancisZamora

#MakabagongSanJuan

#DugoNgSanJuanenoParaSaSanJuaneno

#Bloodletting