SAN JUAN CITY NEWS

OATHTAKING OF VICE MAYOR ANGELO AGCAOILI | 06.26.2023

July 5, 2023

Opisyal na pong nanumpa sa kanyang katungkulan si Vice Mayor Angelo Agcaoili bilang bagong bise alkalde ng Lungsod ng San Juan kapalit ng namayapa nating Vice Mayor Warren Villa. Ginanap ito sa San Juan City Hall sa flag raising ceremony noong Lunes, Hunyo 26, 2023. Ito ay pinangunahan natin na sinaksihan naman ng kanyang maybahay na si Lia, anak na si Jacob, amang si Rico at kapatid na si Mic, Congresswoman Bel Zamora, mga konsehal, kasama ang mga opisyal at lingkod bayan ng San Juan.

Ang paglilipat ng tanggapan at awtoridad mula kay Vice Mayor Villa patungo kay Vice Mayor Agcaoili ay alinsunod sa probisyon ng San Juan City Charter, na nagsasaad na ang highest-ranking in terms of votes na Sanggunian member ang papalit sa nabakanteng pwesto ng Vice Mayor.

Kasabay nang patuloy na pagkilala at pag-alala natin sa yumaong si Vice Mayor Warren, at kagaya ng suporta, pagmamahal at panalangin na ibinigay natin kay VMWV, hinihingi ko po na ganun din ang buong-buong ipagkakaloob nating lahat kay Vice Mayor Angelo Agcaoili, "VMAA" bilang bagong bise alkalde ng San Juan at Presiding Officer ng ating Sangguniang Panlungsod.

Congratulations and more power to you, Vice Mayor Angelo Agcaoili!

Kaugnay na video:

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/287955990281857

#MakabagongSanJuan

#ViceMayorAngeloAgcaoili #VMAAA

#Oathtaking