SAN JUAN CITY NEWS

MSJ MOBILE KITCHEN FEEDING PROGRAM | 06.26.2023

July 6, 2023

Inilunsad po natin ang ating 'Mobile Kitchen Feeding Program' kasama ang ating bagong Vice Mayor na si Angelo Agcaoili at mga konsehal.

Layunin ng proyektong ito na mapanatiling malusog ang ating mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng masusustansyang pagkain sa Pamilyang San Juaneño.

Sa araw na ito, ang mga residenteng kabataan, kababaihan at kalalakihan mula sa Barangay Corazon De Jesus ang ating nahandugan.

Abangan ninyo po ang susunod na schedule ng ating mobile kitchen sa inyong barangay.

Kaugnay na video:

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/938493553906814

#MayorFrancisZamora

#MakabagongSanJuan

#MobileKitchen #FeedingProgram