SAN JUAN CITY NEWS

BUKAS NA ANG GREENHILLS NIGHT MARKET PARA SA "MERRY MOMENTS" NG CHRISTMAS SHOPPING AT BONDING

November 04, 2022

"Merry Moments" ang naranasan natin kasama ang aking buong pamilya--ang ating First Lady ng San Juan at aking maybahay na si Keri, at ang aming mga anak na sina Amanda, Rocco, Nicolas at Noah sa pagbubukas ng Greenhills Night Market.

Kilala po ang ating Greenhills Shopping Center bilang 'Tiangge Capital ng Pilipinas' na puntahan ng maraming tao maging ng mga dayuhang turista. At sa pagbubukas ng Greenhills Night Market ngayong kapaskuhan ay mas lalo pang dumami ang mga mabibili dito sa murang halaga: mula sa pagkain, damit, laruan, Christmas decors at iba pang mga kagamitan. Bukod pa rito ay nagdagdag pa ng mini-carnival bilang bagong attraction sa lugar.

Araw-araw simula ngayong November 4 hanggang January 8, 2023, mula 4pm hanggang 12 midnight ay bukas po ang Greenhills Night Market.

Hudyat na po ito ng pagsisimula ng isang masaya at masaganang Pasko ngayong taon sa ating Makabagong San Juan!

Watch video here??

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/1256932318203094