SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

MGA IMMUNODEFICIENT PO MUNA ANG BIBIGYAN NG BOOSTER SHOTS SA ILALIM NG A3

November 26, 2021


Ayon sa inilabas ng guidelines ng IATF at DOH, ang mga taong immunodeficient sa ilalim ng A3 Categroy pa lamang ang maaring magpa-booster shot. Sila ay ang mga sumusunod:

1. Under Immunodeficient State (Nagda-dialysis o diagnosed ng espesyalista o immunologist na kulang/mahina ang kakayanan ng katawan na labanan ang mga sakit.)

2. May HIV

3. May Cancer o tumor

4. Nagpa-transplant

5. Patients under immonusuppressives (Kasalukuyang naggagamot na nagpapahina ng immune system gaya ng steroid at chemo drugs, etc.)


Maraming salamat po.