SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

PRODUCER TO CONSUMER FAIR

Public Advisory

Gusto niyo bang makabili ng mga murang produkto mula sa Ilocos Norte?

Ang Producer 2 Consumer Fair (P2C) ay muling gaganapin sa Lungsod ng San Juan bukas hanggang Biyernes (May 28-30, 2025) mula 7AM-4PM sa San Juan City Hall Atrium.

Iba’t ibang stalls ang mabibilhan ng mga mura at sariwang gulay na ibinebenta mismo ng mga magsasaka at iba pang mga produktong gawa ng mga maliliit na negosyante, hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte at ng inyong Makabagong San Juan.

Maraming salamat po.