SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

JOB FAIR 2024

April 26, 2024

Ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa pakikipagtulungan ng Greenhills Mall, ay maglulunsad ng Job Fair para sa mga San Juaneñong kwalipikado at gustong magka-trabaho.

Ang Job Fair ay gaganapin sa May 3, 2024 sa Greenhills Mall, mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Magdala ng inyong government issued ID, ballpen at maraming kopya ng inyong resumè, CV o biodata. Mag-apply at posibleng kayo po ay ma-hire on the spot!