SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

APPLICATION AT SUBMISSION NG REQUIREMENTS NG CASH GRANTS PARA SA PERSONS WITH DISABILITIES, MAGSISIMULA NA

Nakatakda na pong i-release ang kaukulang cash grant para sa mga PWD na lehitemong San Juaneño ngayong Dec. 2023. Ang mga PWDs ay inaasahang mag-submit ng mga requirements sa itinakdang schedule sa bawat barangay para makatanggap ng cash grant.

Requirements para maging kwalipikado sa cash grant:

- Registered PWD ID na lagpas ng anim (6) na buwan pagdating ng Sept. 2023

- Certificate of Residency mula sa barangay na hindi lalagpas ng dalawang (2) buwan. Ilagay na para ito sa cash grant.

** Para sa mga may authorized representative, kailangang nakalagay din ang pangalan ng authorized representative sa certificate of residency. Tanging kamag-anak o caregiver lamang ng PWD ang maaaring maging authorized representative.

** Ang PWD at authorized representative lamang ang maaaring magpasa ng mga requirements.

Mag-iikot ang mga staff ng PDAO sa iba’t ibang mga barangay para kolektahin at i-validate ang requirements ng mga miyembro ng PWD.

Maraming salamat po!


For more information:

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid0KTwvR5GupAykyMJGx7vTbPVF9EFKaGrrg68M8iVcJXAGB4fn75QJ84bMr285WvD4l


#MayorFrancisZamora

#MakabagongSanJuan