SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

LAB FOR ALL : BARANGAY CARAVAN

September 12, 2023

Mga minamahal kong San Juaneño, bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa buong suporta po ng ating First Lady Liza Araneta Marcos, inaanyayahan ko po kayong lahat sa paglulunsad ng LAB for All - Makabagong San Juan Barangay Caravan na gaganapin bukas, Miyerkules, Setyembre 13, 2023, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Barangay Batis Multipurpose Building sa F. Manalo.

Ang mga sumusunod po ay mga libreng serbisyo na aming inihanda para sa inyo:

- LAB for All: ibat-ibang serbisyong handog ni First Lady Liza Araneta Marcos

- Libreng chikiting ligtas bakuna

- Libreng bunot ng ngipin

- Libreng gamot

- COVID booster shot

- Human Papillomavirus vaccine shot para sa mga batang babae na may edad 10-14

- Flu at Pneumonia vaccine shots para sa mga senior citizens

- PNP women's desk at police clearance application assistance

- Libreng legal, marriage at family planning counseling

- Libreng konsulta sa mga may problema sa birth, marriage, at death certificate

- Feeding program

- On-site tax payments

- Libreng gupit ng buhok

- San Juan City health card at solo parent ID application assistance

- Financial, medical at burial assistance application

- Libreng anti-rabies vaccine

- Registration para sa PWD at senior citizen ID

- Skills registry and local recruitment activity

Magkita-kita po tayong lahat.