SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

REGISTRATION PARA SA BIVALENT BOOSTER SHOT NG A1, A2, AT A3

July 31, 2023

REGISTRATION PARA SA BIVALENT BOOSTER SHOT NG A1 (HEALTHCARE WORKERS), A2 (SENIOR CITIZENS), AT EXPANDED A3 (PERSONS WITH COMORBIDITIES AND PREGNANT WOMEN)

Bukas na ang registration ng Bivalent Vaccines para sa 1st, 2nd o 3rd Booster Shot ng mga nasa A1, A2, Expanded A3 Categories o ang mga medical frontliners/healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities at mga buntis ng Lungsod ng San Juan simula ngayong July 31, 2023.

Ang mga indibidwal mula sa A1, A2, at Expanded A3 categories lamang na nakakumpleto na ng kanilang unang dalawang regular doses ang kwalipikadong makatanggap ng Bivalent booster shot. Kailangan ding at least 4 months na ang nakalipas nang matanggap nila ang kanilang pinakahuling bakuna.

Magparehistro na sa link na ito, http://bit.ly/39Bi7ri o i-scan ang QR Code para makakuha ng slot. Ang vaccination ay on an "first to register, first to be served” basis dahil limitado pa lamang ang supply ng vaccine sa ngayon.

Hintayin ang inyong text confirmation para sa schedule ng inyong bakuna. Pakidala ang inyong Regular Dose Vaccine Card at ang inyong 1st and 2nd booster vaccine card (if applicable) sa araw ng inyong schedule.

Maraming salamat po.