SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

PAGREPORT NG WATER LEAKAGE

July 12, 2023

Maging mapagmasid po tayo para huwag masayang ang tubig sa panahong ito ng El Niño, i-report po natin kaagad ang makikita nating water leakage, sirang tubo o mga iligal na koneksyon sa ating lugar.

Makipag-ugnayan po tayo agad sa ating barangay, tumawag sa San Juan City Hotline 137-135, o mag-message sa social media accounts ng Manila Water.

Maraming salamat po!

#MayorFrancisZamora

#MakabagongSanJuan

#WaterConservation