SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

PERSON WITH DISABILITY AFFAIRS OFFICE (CASH GRANT PAYOUT)

December 15, 2022


MAGANDANG BALITA


Sa mga minamahal kong San Juaneñong Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs), ito po ang schedule ng ating Cash Grant Payout and Educational Assistance Payout for PWDs, at Annual Benefits Payout para sa ating mga senior citizens. Nariyan ang pangalan ng barangay, petsa, oras, at ang venue ng ating payout.

Para sa ating Cash Grant, ang mga PWD beneficiaries ay dapat tinataglay ang mga sumusunod:

1. Residente ng San Juan

2. 60 years old (as of December 2022) and below

3. Atleast 6 months registered as PWD

4. Mayroong revalidated PWD ID

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng P3,000 each.

Para sa ating Educational Assistance, ang mga PWD beneficiaries ay dapat tinataglay ang mga sumusunod:

1. Kasalukuyang naka-enroll (Kinder hanggang College) sa anumang paaralan o unibersidad sa NCR

2. Residente ng San Juan

3. Kabilang sa mga indigent families sa San Juan

4. Mayroong revalidated PWD ID

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng P4,000 each.

Para naman sa ating Annual Benefits payout, ang mga senior citizen beneficiaries ay dapat tinataglay ang mga sumusunod:

1. 60 years old and above

2. Residente ng San Juan

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng P2,000 each.

Para sa mga katanungan patungkol sa payout ng ating mga PWDs, makipag-ugnayan sa inyong mga barangay kagawad assigned for PWD affairs o hanapin si Donna Riego sa Persons with Disability Affairs Office sa city hall o tumawag sa 7621-1508.

Para naman sa mga katanungan patungkol sa payout ng ating mga senior citizens, makipag-ugnayan po sa inyong Senior Citizens Association President kada barangay o tawagan ang Office of the Senior Citizens Affairs sa numerong 7625-5843.