SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

PAGSUSUOT NG FACE MASK SA OPEN SPACES, BOLUNTARYO NA

September 15, 2022

Alinsunod sa Executive Order No. 3, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., at pinagtibay ng City Ordinance No. 42 Series of 2022, boluntaryo na ang pagsuot ng face mask sa outdoor areas at open spaces na walang kumpulan ng mga tao at may maayos na bentilasyon simula ngayong September 14, 2022.

Ang mga immunocompromised individuals, senior citizens, at mga indibidwal na hindi fully-vaccinated ay pinapayuhang magsuot pa rin ng face mask kahit sa open spaces.

Kailangan pa ring magsuot ng face mask sa mga sumusunod na lugar :

-Indoor o closed spaces

na mga establisyimento

-Pampublikong transportasyon

-Open spaces at outdoor areas na walangphysical distancing

Maraming salamat po.