SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

"FREE FIBER OPTIC INTERNET CONNECTION" PARA SA MGA MAG-AARAL NG MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN NG SAN JUAN

May 2, 2022

Magandang balita para sa mga San Juaneñong mag-aaral ng mga pampublikong paaralan ng Lungsod ng San Juan.Ang mga libreng internet connection po sa inyong mga tahanan na ipinakabit ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan para sa online education sa pamamagitan ng Learning Management System (LMS) ay ganap nang binuksan bilang Full Service Fiber Optic Internet Connection.Ang libre at mabilis na internet connection na ito ay maaaring gamitin para sa pag-aaral, research, panonood, pakikipag-ugnayan sa inyong mga mahal sa buhay, paggamit ng iba't ibang apps at social media sites at iba pang online services at activities. Panatilihing naka-on ang inyong mga modem para tuloy-tuloy lang po ang internet connection. Ito po ay handog sa inyo ng inyong Makabagong San Juan.