SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

SAN JUAN CITY SOLO PARENTS WELFARE ORDINANCE (CITY ORDINANCE NO. 8, SERIES OF 2019)

April 05, 2022

Bilang tulong ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa mga Solo Parents, nagpasa ang ating konseho ng City Ordinance No. 8, Series of 2019 o ang San Juan City Solo Parents Welfare Ordinance. Ito ay nagsasaad ng mga karampatang tulong at benepisyo para sa ating mga solo parents dito sa Lungsod ng San Juan kabilang na ang mga diskwento sa mga bilihin at gastusin. Mag-i-issue rin po ng Solo Parents ID at booklet para sa mga magulang na benepisyaryo ng ordinansang ito.