SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

HOUSE-TO-HOUSE BOOSTER SHOTS SA BARANGAY PROGRESO AT BARANGAY RIVERA

March 16, 2022

Ang City Health Department ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ay mag-iikot sa March 17 sa Brgy. Progreso at Brgy. Rivera upang magsagawa ng house-to-house booster shots sa mga residenteng hindi pa nakakapagpa-booster matapos ang tatlong buwang agwat sa kanilang pangalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.Ang mga residenteng gustong magpa-booster ay kailangan lamang magpakita ng kanilang vaccination card kung saan nakasaad na higit tatlong buwan nang nakalipas ang kanilang 2nd dose.Ito po ay ating isasagawa sa lahat ng barangay, residente man o nagta-trabaho sa San Juan upang siguraduhing may booster shots na ang ating mga mamamayang edad 18 pataas lalo na at nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang San Juan at buong Metro Manila. Maraming salamat po.