SAN JUAN CITY ACTIVITY

PAYOUT PARA SA 150 BENEPISYARO NG SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENT (SPES)

October 03, 2022

Pinangunahan ni Mayor Francis Zamora kasama sina Congresswoman Bel Zamora, Vice Mayor Warren Villa, at ang ating mga Konsehal ang payout para sa 150 SPES beneficiaries. Sila po ang mga kabataang San Juaneño na nagtrabaho sa ating LGU sa loob ng 20 araw kung saan sila ay kumita ng P10, 740.00 bawat isa.

Ang programang ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan ang 40% ng sweldong ipinamahagi ay nagmula sa kanila, samantalang 60% naman ay galing sa ating pamahalaang lokal.

"Ako po ay natutuwa na kahit sila ay mga kabataan pa ay nakaranas silang magtrabaho at kumita ng pera na maitutulong nila sa kanilang mga pamilya." ~ MAYOR FRANCIS ZAMORA

"Congratulations po sa ating mga SPES na nagtapos ng kanilang pagtatrabaho dito sa ating city hall. I hope your stint here was fruitful and helpful in developing your character." ~ CONGRESSWOMAN BEL ZAMORA

Watch video here??

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/624120505918816/

#SPES

#AngPagpapatuloyNgMakabagongSanJuan