EMERGENCY GO BAG

Emergency Go Bag para sa bawat Pamilyang San Juaneño

Bilang bahagi ng ating patuloy na paghahanda sa anumang emergency at kalamidad, isasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang Phase 1 ng Emergency Go Bags Distribution para sa bawat pamilyang San Juaneño.

?? District 1

• August 12, 2026

• 10:00 AM–1:00 PM

• San Juan City Hall Atrium

?? District 2

• August 13, 2026

• 10:00 AM–1:00 PM

• San Juan City Hall Atrium

MAHALAGANG PAALALA:

• Ang ticket recipient ang dapat mismong mag-claim ng Emergency Go Bag, dala ang ticket at valid ID na tugma sa pangalan nito.

• Kung hindi makakapunta ang ticket recipient, maaaring proxy na kabilang sa parehong household ang mag-claim, dala ang ticket recipient’s valid ID at sariling valid ID.

• Bawal magpasabay ng tickets para sa ibang households. Hindi maaaring isang tao ang magdala ng tickets ng iba upang mag-claim para sa iba’t ibang household sapagkat may receiving copy na pipirmahan at dapat ang mismong benepisyaryo o ang proxy nito ang mag-receive.

• Isang ticket lamang bawat claimant ang ating papayagan, at kailangang pumirma sa receiving copy bilang patunay ng pagtanggap.

• Sundin ang petsa at oras na nakalagay sa ticket para sa maayos na distribution.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! Magkita-kita po tayo bukas at sa Huwebes.

For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid0nb2gNkC5gLe8uMSNdrYvnMEGsBuf2AQHEFcEGU47YZZCnDMu4H2Vd3onij6uTcgrl

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

September 14, 2026
Posted by Catherine Casinao
HANDOG NG PANGULO SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT
September 10, 2026
Posted by Catherine Casinao
MEMORANDUM CIRCULAR NO. 135
September 09, 2026
Posted by Catherine Casinao
WALANG PASOK | SEPTEMBER 09, 2026
September 08, 2026
Posted by Catherine Casinao
WALANG PASOK | SEPTEMBER 08, 2026