Mga minamahal kong San Juaneño, muli ko po kayong iniimbitahan na makiisa sa ating “Dugo ng San Juaneño, Para sa San Juaneño” Bloodletting Drive sa darating na June 17, 2026, 8:00 AM – 3:00 PM sa San Juan City Hall Atrium
Sino ang mga maaaring mag-donate ng dugo?
• Nasa mabuting kalusugan
• Edad 18–65 taong gulang
• May timbang na hindi bababa sa 110 lbs
Paalala sa mga donor:
• Dapat may 6–8 oras na tulog
• Walang alcohol intake sa loob ng 24 oras
• Hindi nanigarilyo sa loob ng 24 oras
• Blood pressure ay dapat nasa: 90–160 mvmHg (systolic) at 60–100 mmHg (diastolic)
• Kailangang pumasa sa physical at health history assessment
Tandaan: Ang travel history, iniinom na gamot, pagkakaroon ng piercing o tattoo ay susuriin sa mismong araw ng aktibidad.
Ang dugong malilikom ay lubos na makakatulong sa ating mga kababayang nangangailangan nito.
Maraming salamat po!