BARANGAY HOUSEHOLD SURVEY (DECEMBER 16-18, 2025)

PUBLIC ADVISORY

Upang masigurong walang maiiwan, ginawa natin ang lahat ng paraan upang maipaalam sa bawat San Juaneño ang Talaan ng mga Naninirahan sa Barangay Ayon sa Sambahayan. Dalawang beses tayong nagpadala ng sulat at hard copy forms sa bawat tahanan simula September 19, sinabayan ng tuloy-tuloy na abiso sa ating official social media accounts at paalala ng mga barangay, mula sa postings, pagkakabit ng mga tarpaulin, hanggang sa house-to-house reminders.

Upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang lahat ng hindi pa naka-register, pinalawig natin ang orihinal na deadline mula October 2 hanggang October 18, at muling ipinakalat ang impormasyon sa lahat ng online at barangay channels.

Sa kabila nito, bilang huling konsiderasyon para sa mga hindi pa rin nakapag-parehistro sa kabila ng lahat ng hakbang na ating isinagawa, magbibigay po tayo ng kahuli-hulihang pagkakataon para kayo ay makapag-rehistro mula bukas, MARTES, DECEMBER 16, 2025, 7:00AM hanggang HUWEBES, DECEMBER 18, 2025, 7:00PM. Pagkatapos ng Biyernes, wala na pong extension para sa registration sapagkat kinakailangan pa naming pag-aralan ang datos na isusumite ng lahat ng mga magiging bagong registrants.

Maaaring mag-register online gamit ang QR code o link o magtungo nang personal sa inyong barangay. Ang lahat ng impormasyon na aming makukuha mula sa mga magpapahabol ng rehistro ay ating isasailalim pa sa masusing verification at validation.

Maglalabas ang mga barangay ng listahan ng mga kwalipikado para sa mga humabol na magpalista at ipapamahagi ang kanilang Pamaskong Handog tickets sa December 22, 2025. Magkakaroon ng huling pamamahagi ng Pamaskong Handog sa December 23, 2025.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.

#MakabagongSanJuan

#MakabagongSanJuanLegacy

For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid02hZQuaSC4c6ZLcPkGAAJBq2VdpfiBYwsgt6HfeS8itEgSZuwhxq5KD546YHLy8KY3l

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

October 16, 2026
Posted by Catherine Casinao
2ND NATIONAL HOUSING EXPO 2026
October 16, 2026
Posted by Catherine Casinao
SAN JUAN LGBTQIA+ SPORTS FEST 2026
October 14, 2026
Posted by Catherine Casinao
BARANGAY CARAVAN | OCTOBER 15, 2026
October 12, 2026
Posted by Catherine Casinao
MEGA JOB FAIR | OCTOBER 22, 2026