PUBLIC ADVISORY
Mga minamahal kong San Juaneño, magsisimula na po ang pamamahagi ng tickets para sa Pamaskong Handog 2025 ngayong araw, December 10, hanggang December 13 mula 7:00AM hanggang 7:00PM.
Nais ko lamang pong ipaalala sa inyo kung paano natin ilang ulit at sa iba’t ibang paraan ipinaalam ang impormasyon tungkol sa Talaan ng mga Naninirahan sa Barangay Ayon sa Sambahayan sa inyong lahat.
Noong September 19, 2025, nagsimula tayong magpadala ng sulat at forms sa bawat tahanan upang masiguro na maayos at tama ang magiging alokasyon ng ating Pamaskong Handog. Dalawang beses tayong nagpaabot ng hard copy forms sa lahat ng households, at sinabayan natin ito ng sunod-sunod na announcements sa ating mga official social media accounts. Kasabay nito, ang ating mga barangay ay nagpaalala rin sa kanilang sariling paraan mula pagkakabit ng tarpaulins, sa postings hanggang house-to-house reminders.
Upang bigyan ng mas mahabang oras ang lahat, mula sa orihinal na deadline na October 2, 2025 ay nagbigay pa tayo ng extension hanggang October 18, 2025, at muling ipinakalat ang impormasyon tungkol dito sa parehong online at barangay channels.
Lahat po ng hakbang na ito ay ginawa natin upang masigurong maayos, patas, at organisado ang proseso ng ating Pamaskong Handog 2025. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!
#MakabagongSanJuan
#MakabagongSanJuanLegacy
For more Information: https://www.facebook.com/photo/?fbid=1488291055988635&set=a.455771832573901