PUBLIC ADVISORY
Magkakaroon po ng re-routing scheme sa kahabaan ng Bonny Serrano Avenue simula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 2 bilang bahagi ng “Oplan Undas 2025.”
Ito ay upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng San Juan City Cemetery habang marami ang bibisita sa Undas.
• Ang Bonny Serrano Avenue ay magiging one-way mula Nobyembre 1–2
• Magkakaroon ng mga loading at unloading areas para sa maayos na pagbaba at pagsakay ng mga pasahero
• Itinakda ang mga allowed parking areas para sa kaginhawaan ng mga motorista
• May mga inilaan ding alternative routes upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko
#MakabagongSanJuan
#MakabagongSanJuanLegacy