MURANG BIGAS PARA SA SAN JUAN

Sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture, National Food Authority at Pamahalaang Lungsod ng San Juan, tayo po ay magbebenta sa mga mamamayan ng San Juan ng murang bigas na nagkakahalagang P1,650 kada 50 kilos na sako, na lumalabas na P33 kada kilo.

Para mapanatili ang kaayusan, 1,000 sako muna ang ire-release sa unang batch (1st wave), at magkakaroon pa ng mga susunod na batch.

Para sa mga nais bumili, magkakaroon ng pre-registration simula bukas, February 20, 2025, 7:00am sa Information Desk ng San Juan City Hall lobby. Ihihinto natin ang pagpapalista kapag umabot na sa 1,000 ang nagparehistro. Para sa mga maaabutan ng cut-off, pakihintay ang anunsiyo para sa susunod na schedule.

Siguraduhing magdala ng isang valid government-issued ID na may San Juan address.

Paalala: Ang pagbebenta ay per sack at hindi per kilo at ipapatupad ang first come, first served basis.

Maraming salamat po.

For more information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid02xPAYLwEHPiLWmAoKnmAVdjftXYLNbdm68T47MLqj5CsXDAp8aD7fexjV1tmarueCl

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

October 16, 2026
Posted by Catherine Casinao
2ND NATIONAL HOUSING EXPO 2026
October 16, 2026
Posted by Catherine Casinao
SAN JUAN LGBTQIA+ SPORTS FEST 2026
October 14, 2026
Posted by Catherine Casinao
BARANGAY CARAVAN | OCTOBER 15, 2026
October 12, 2026
Posted by Catherine Casinao
MEGA JOB FAIR | OCTOBER 22, 2026