TULAY NG SAN JUAN

Sa tulay na ito noong 29 Enero 1899, nagtagpo sina Kol. Luciano San Miguel Filipinong
Komandante sa pook na iyon at Col. John Stotsenburg, Commander First Nebraska Volunteer
Infantry US Army upang ilatag ang hangganang sakop ng mga puwersang Filipino at Amerikano
pagkaraang sumiklab ang digmaang Filipino-Amerikano sa panulukan ng Sociego at Silencio, Sta.
Mesa, Maynila noong Pebrero 4, 1899. Naglabanan ang dalawang puwersa sa tulay na ito 5
Pebrero 1899.