City of San Juan

Metro Manila, Philippines

 

 

 

 


Back To Home

 

Ang Papalit, Ang Paalis at ang Parating

 

     ITO na ba ang susunod na aasahan sa 2010? Gani- to ang naging tanong na namutawi sa labi ng mga San Juanenos na dumalo sa kaarawan ni Inday Ging noong Abril 20 sa kanilang tahanan sa P. Guevarra. Sa pambihirang pagtiti- pon, namataan ng Bali- tang Pinaglabanan Repor- torial Team ang kagalakan ni Congressman Ron- aldo Zamora na muling makasama sa salu-salo si Inday Ging, na siyang pinuno ng Pink Ladies Foundation at si Mayor JV Ejercito.

      Kasabay ng masayang okasyon ay kinumpirma ni Zamora, na nasa huling termino bilang kon­gresista ang kanyang suporta para kay Guia Gomez sakaling naisin nitong sumabak sa pulitika sa 2010. “Noon pa man ay buo na ang aking suporta kay Inday Ging. Kung pumayag man siya dahil so­bra na ang clamor ng iba’t ibang civic groups dito sa San Juan na ipagpatuloy ang maiiwanang mga proyekto ni JV, asahan nyo po ang aking supprta kay Inday Ging” pahayag ng kongresista sabay na­man ng hiyawan at palakpakan ng mga panauhin.

     Malugod naman itong tinang­gap ng Unang Ina sabay na ibina­lik ang tanong sa mga panauhin, “Sa tingin niyo ba, kakayanin ko?” Kumpiyansa namang sina­got ito ng “OO” ng kanyang mga panauhin.

     Una na ring iniulat sa mga pa­hayagan na handang suportahan ni Pangulong Joseph Estrada si Inday Ging sakaling lumahok ito sa mayoralty race. Anito, she has nothing in mind but good things for San Juan.”

     Sa ulat ng Philippine Star noong April 21, sinabi nitong na­kahandang i-endorso ni Estrada si Inday Ging sakaling tumakbo ito bilang mayor sa 2010. “Former President Joseph Estrada said he will endorse former actress Guia Gomez should she decide to run for mayor of San Juan City in 2010” (Star:15).

     At dahil nasa huling termino na si Mayor JV, ay sinasabi namang ito ang hahalili kay Zamora bilang kinatawan ng nag-iisang Distrito ng San Juan.

 

 

Copyright © 2008 San Juan City

Tel. (632)-726-1866/7213