|
City of San Juan Metro Manila, Philippines |
|
|
|
|
|
|
|
|
Damang-dama at maromantikong naidaos ang libreng konsyertong handog ni Mayor JV Ejercito, katuwang ang PLDT My DSL and JAM 88.3 na pre-valentine “Love is in the Air Concert” na ginanap sa Liwasan ng Batang San Juan noong Pebrero 11, 2010. Punong-puno ng manonood ang nasabing lugar hanggang sa kahabaan ng F. Sevilla St. at Dr. Ejercito Streets. Pinangunahan nina Coun. Vincent Pacheco at Warren Villa ang nasabing konsyerto. Tuwang-tuwa ang mga manonood ng nagsimula ng kumanta ang grupo ng Fairground, Shamrock, at MYMP. Tanging si Paolo Santos ang solo at tumugtog ng acoustic number. Nakisaya rin sina Vice-Mayor Leonardo Celles, Konsehal Francis Zamora, Ferdie Velasco, Noel Rozon at Ritchie Peralta. Matatandaan na nagsimula ang libreng konsyerto para buwan ng mga puso noong 2008.
|
|
|
|