Saturday, November 01, 2014

SWFobject

Alternative flash content

Requirements

 

SJ-Logo02

 

Republic of the Philippines

City of San Juan, Metro Manila

 CITY CONGRESSMAN


N
Cong-w-Logoagtapos ng elementarya (1957) at high school (1961) sa De La Salle University, agad niyang tinahak ang mundo ng pulitika nang kaniyang kunin ang kursong Bachelor of Arts, Major in Political Science sa University of the Philippines, kung saan siya ay nagtapos ng magna cum laude noong 1965 at nagpatuloy sa Bachelor of Laws muli sa University of the Philippines, kung saan naging magna cum laude rin siya at class valedictorian noong 1969. At sa kanyang talino, naging Number 1 si Ronny Zamora sa Bar Examinations noong 1969. Pinasok na ni Ronny ang serbisyo publiko kahit siya ay nag-aaral pa lamang noong 1961. At ang kanyang kahusayan ay kinilala ng Philippine Jaycees nang mapili siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) sa bansa sa kategoryang law and public service noong 1972. Si Ronny Zamora ay unang nahalal bilang Assemblyman sa Batasang Pambansa noong 1978 matapos niyang manilbihan bilang Assistant Executive Secretary for Legal Affairs sa Office of the President noong 1975 sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos. Noong 1981, siya ay naging kasapi ng Executive Committee, ang susunod na institusyon sa Pagkapangulo ng Pilipinas noong panahong iyon. Nahalal muli, bilang Congressman ng Distrito ng San Juan at Mandaluyong noong 1987-1995, siya ay naupo bilang Majority Floor Leader at Chairman ng Committee on Rules noong 1992-1994. Naging Minority Floor Leader naman si Ronny sa Kongreso nang siya ay mahalal muli bilang Congressman sa Distrito ng San Juan noong 1995-1998. Matapos ang kanyang termino bilang Kongresista, nagsilbi bilang Executive Secretary ni Pangulong Joseph Estrada si Ronny Zamora noong 1998-2001. At sa kagustuhang makapagsilbi muli sa kanyang bayan, tumakbo at nanalong muli si Ronny bilang Congressman noong 2001 at 2004 elections, at noong 2007, kung saan naupo siya bilang Minority Floor Leader sa kanyang huling termino hanggang 2010. Sa kanyang panunungkulan bilang isang Congressman, isa sa mga naging pangunahing proyekto ni Ronny Zamora ay ang pagpapatayo at pagpapaganda ng mga imprastraktura sa San Juan, gaya ng mga barangay hall, multipurpose hall, barangay health center at day care center, mga paaralan mga basketball court, at mga foot bridge, kasama na rin ang pagsasaayos ng mga deep wells at mga kalye, gayun din ang pagpapabuti ng drainage system ng ating lungsod. Naging prayoridad din ni Ronny Zamora ang kalusugan ng mga mamamayan ng San Juan kaya pinangasiwaan niya ang pamamahagi ng PhilHealth Cards kasabay ang pagsasagawa ng regular na libreng medical at dental missions. Nag-alay din siya ng tulong pang medikal sa pamamagitan ng hospital funds niya — ang ZAMORA “Alay sa Kalusugan Program” sa mga kilalang ospital gaya ng Philippine General Hospital, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Orthopedic Hospital, National Kidney and Transplant Institute, at San Juan Medical Center. Nariyan din ang ZAMORA “Alay sa Mamamayan ng San Juan” kung saan nakakuha ng tulong pinansyal ang mga nangangailangan. Nakapagbigay din siya ng mga mini-dump trucks para sa Waste Management Program ng lungsod. Binigyang diin din ni Ronny Zamora ang pagpapaganda pa at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng San Juan. Nagbigay siya ng mga motorsiklo na may side car, mga sasakyang Toyota Revo, mga fire trucks, mga police patrol cars, at mga multicabs na naging instrumento sa pagpapalakas at sa pagbibigay pa ng mas mabuting serbisyo ng mga nangangalaga sa ating ‘peace and order’. Bilang isang mahusay na lingkod publiko, alam ni Ronny Zamora ang kahalagahan ng edukasyon, lalung-lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng ating bayan. Kaya naman naglaan siya ng pondo — ang ZAMORA “Alay sa Edukasyon Program” para sa mga karapat-dapat na mga mag-aaral sa elementarya, at nakapagbigay din siya sa mga natatanging estudyante ng scholarship para sa kolehiyo. Nakapaghandog din siya ng mga Information Technology equipment sa mga paaralang elementarya at sekondarya pati na rin ng iba’t-ibang teaching aid at equipment sa mga day care centers. Kasama rin ang Food for School Program sa kanyang mga naging proyekto. At bilang tugon ni Ronny Zamora sa pangkabuhayang pangangailangan ng mga San Juaneño, siya’y nagbigay ng tulong sa mga kooperatiba at sa mga maralitang mamamayan, sa ilalim ng ZAMORA “Alay sa Mamamayan ng San Juan Program”. At bilang isang mambabatas sa mahabang panahon, madaming isinulat, inihain at itinaguyod na mga batas at panukalang batas sa kongreso si Ronny Zamora. Ilan lang sa mga ito ang Comprehensive Agrarian Reform Law, batas na nagtatatag ng Autonomous Region of Muslim Mindanao, at batas na nagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya rin ang may akda ng San Juan Cityhood Bill at Mandaluyong Cityhood Bill, dalawang lungsod na siya ang kumatawan sa sa Kongreso. Siya rin ang sumulat at nagtaguyod ng Original Rules of Impeachment, na hangga’t ngayon ay ginagamit ng House of Representatives at ng Senado. At sa kanyang angking husay at galing sa mga batas at malawak na karanasan sa kongreso at serbisyo publiko, napasama si Ronny Zamora sa huling dalawang pinagpilian para maging susunod na Chief Justice ng Supreme Court of the Philippines noong 2012. Sa Kongreso respetado, Pagkalinga sa San Juan, sigurado. Ronny Zamora for Congressman!