2ND NATIONAL HOUSING EXPO 2026

Mga minamahal kong San Juaneño, bilang bahagi ng pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng abot-kaya at dekalidad na pabahay para sa mga Pilipino, magkakaroon po ng 2nd National Housing Expo 2026 sa October 19–20, 2026, sa Halls 2–4 ng SMX Convention Center, MOA Complex, Pasay City.

Sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), katuwang ang Pag-IBIG Fund (HDMF), National Housing Authority (NHA), National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), at Social Housing Finance Corporation (SHFC), tampok sa Expo ang libo-libong housing options mula sa mahigit 60 participating developers, special Expo prices, promos, at exclusive buyer incentives.

Mayroon ding on-site Housing Loan assistance mula sa mga Lingkod Pag-IBIG.

Sa temang “Tahanan. Pamayanan. Kinabukasan.”, layunin ng programang ito na mas mapalawak ang kaalaman at oportunidad ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan.

Para sa mga interesadong dumalo, i-scan ang QR code o i-click ang link upang makapagrehistro

https://www.pagibigfund.gov.ph/buildhomesbuildhappiness.html

Libre po ito at bukas para sa lahat!

Kung mayroon po kayong katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan sa Pag-IBIG San Juan Branch o sa numerong 0985-484-6825.

Samantala, magkakaroon din po tayo ng ating sariling 2nd Public Housing Forum na orihinal na naka-schedule noong September 23 ngunit ipinagpaliban dahil sa mga pagbabawal ng COMELEC kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Iaanunsyo po natin ang bagong schedule. Mag-antabay lamang po sa mga susunod na announcement sa aking Facebook Page.

Maraming salamat po.

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

October 28, 2026
Posted by Catherine Casinao
SYSTEM UPDATE
October 26, 2026
Posted by Catherine Casinao
2ND PUBLIC HOUSING FORUM
October 19, 2026
Posted by Catherine Casinao
SPAWKTACULAR HOWL-O-WEEN 2026
October 14, 2026
Posted by Catherine Casinao
BARANGAY CARAVAN | OCTOBER 15, 2026