PUBLIC ADVISORY
Bilang bahagi ng patuloy nating pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan sa Lungsod ng San Juan, maaari nang makakuha ng libreng gamot ang mga San Juaneño sa ating Health Centers, Health Stations, at Medicine Booth sa San Juan City Hall, alinsunod sa tamang proseso.
Narito ang gabay kung paano at saan maaaring kunin ang inyong libreng gamot:
Kung kayo ay rehistrado sa YAKAP Program sa alinman sa ating San Juan Health Centers, maaari kayong kumuha ng libreng gamot sa Health Centers, Health Stations, o Medicine Booth sa City Hall, gamit ang updated na reseta mula sa doktor ng ating Health Centers o Health Stations.
Kung kayo ay rehistrado sa YAKAP Program ngunit sa ibang clinic o health facility, ang inyong libreng gamot ay kukunin sa parehong clinic o health facility kung saan kayo nakarehistro.
Kung kayo ay may sariling doktor o may updated at valid na reseta mula sa ibang health facility, maaari kayong kumuha ng libreng gamot sa Medicine Booth sa City Hall, gamit ang inyong updated at valid na reseta.
Mahalagang Paalala:
• Ang lahat ng reseta ay ive-verify muna ng ating pharmacists o health personnel bago ipamahagi ang gamot.
• Ang pamamahagi ng libreng gamot ay nakabatay sa valid na reseta at availability ng gamot.
Kung sakaling hindi po available ang gamot na kailangan ninyo, maaari po kayong mag-apply ng financial assistance sa ating Public Assistance Center na matatagpuan sa Upper Ground Floor ng San Juan City Hall upang ang pondong inyong matatanggap ay maaari ninyong ipambili ng gamot na inyong kailangan. Ito po ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00AM hanggang 4:00PM.
Inaanyayahan ko ang lahat na basahin ang ating advisory upang malaman ang tamang proseso batay sa inyong sitwasyon.
Sa Makabagong San Juan, patuloy nating pinalalapit at pinapadali ang access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang San Juaneño
For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid035UJkNuZtJpdHyF5AHvtnZnvNTqYQFHdqKyroGwzMTaiEVpkSmP5PNy2abJpqgqhBl