KASALANG PANLUNGSOD 2026
Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang mga magkasintahang nagnanais magpakasal na magpalista at magsumite ng requirements para sa Kasalang Panlungsod 2026.
Isasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang Kasalang Panlungsod sa February 13, 2026, 10:00AM.
Nagbukas ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ng mga additional slots para sa Kasalang Panlungsod. Tatanggap ang City Civil Registry Department ng mga aplikasyon hanggang January 30, 2026 on a first come, first served basis.
Para sa mga nais lumahok, pakihanda at isumite ang mga sumusunod na dokumento:
• CENOMAR
• Government-issued ID na may address ng San Juan
• Kopya ng Birth Certificate
• Barangay Certificate (Residency)
• PopDev Seminar Certificate
• CSWDD Seminar Certificate (para sa 25 taong gulang pababa)
Maraming salamat po.
For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid0218NEg1fqDmirAMLQUBnd9kFSraTabpfE7GQZq7p6vXDaCCN8NavzeXoQxU1FUZzhl