PUBLIC ADVISORY: SOCIAL PENSION FORUM

PUBLIC ADVISORY

Mga minamahal kong San Juaneño senior citizens, batid ko po na mahalaga para sa inyo ang Social Pension kung kaya’t nais ko po kayong bigyan ng pagkakataon na direktang makapagtanong at makapagpahayag ng inyong mga hinaing.

Ako po ay magtatakda ng isang araw para sa isang forum kasama ang DSWD upang kayo mismo ay makapagbahagi ng inyong saloobin at agad na masagot ang inyong mga katanungan.

Mahalaga na maintindihan po ninyo na ang pag-apruba ng listahan ng mga benepisyaryo ng Social Pension ay hindi po nagmumula sa Lokal na Pamahalaan. Ang pamantayan po at proseso ng pag-apruba ay nakabatay po sa evaluation ng DSWD.

Sa ganitong klaseng forum, mas malinaw po nating mauunawaan ang proseso at sama-sama nating matitiyak na ang tulong na ito ay makakararating sa mga kwalipikadong senior citizens.

Abangan po ninyo ang susunod na announcement natin para sa schedule ng pagpupulong kasama ang DSWD. Maraming salamat po.

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

September 14, 2026
Posted by Catherine Casinao
HANDOG NG PANGULO SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT
September 10, 2026
Posted by Catherine Casinao
MEMORANDUM CIRCULAR NO. 135
September 09, 2026
Posted by Catherine Casinao
WALANG PASOK | SEPTEMBER 09, 2026
September 08, 2026
Posted by Catherine Casinao
WALANG PASOK | SEPTEMBER 08, 2026