APPLICATION AT SUBMISSION NG REQUIREMENTS NG CASH GRANTS PARA SA PERSONS WITH DISABILITIES, MAGSISIMULA NA
Ang mga PWDs ay inaanyayahan nang mag-submit ng mga requirements sa itinakdang schedule sa bawat barangay na nasa ibaba para makatanggap ng cash grant.
Requirements para maging kwalipikado sa cash grant:
- Registered PWD ID na lagpas ng anim (6) na buwan pagdating ng Sept. 2025
- Certificate of Residency mula sa barangay na hindi lalagpas ng dalawang (2) buwan. Ilagay na para ito sa cash grant.
** Para sa mga may authorized representative, kailangang nakalagay din ang pangalan ng authorized representative sa certificate of residency. Tanging kamag-anak o caregiver lamang ng PWD ang maaaring maging authorized representative.
** Ang PWD at authorized representative lamang ang maaaring magpasa ng mga requirements.
Mag-iikot ang mga staff ng PDAO sa iba’t ibang mga barangay para kolektahin at i-validate ang requirements ng mga miyembro ng PWD.
Maraming salamat po!
For more Information: https://www.facebook.com/CityofSanJuanNCRPhilippines/posts/pfbid05g1wKrJubcQnUxtW5wG47Q7jyHSRCzyAkA9iWDfx6TnyKbSobQneCtE1RnfotW2jl